Napakasaya ng taon na 'to. Sobrang hindi ineexpect lahat ng mangyayari. Maraming nagbago. Pero masaya naman ako sa mga nagbago na yun. May mga taong nawala pero meron pa ring mga naiwan. Eto na talaga.
Salamat sa lahat ng naging parte ng 2012 ko. Sayo pati na rin sa mga magulang nyo. Hahaha. Alam kong minsan nasasabi na rin nilang Bad Influence ako, pero hindi po. Mabait ako. Sobra. Hahaha. Sorry sa lahat ng nabigo ko, nakatampuhan, nakaalitan at nakasagutan. Tapos na lahat yun. Magpakabait na tayong lahat. Napakasaya ng buhay.
Pangako. Sa 2013 na to, sinimulan ko na rin ngayon, magpapakabait na ko. Yun lang. Tapos bahala na. Simple. Ayos na yan. Yung iba nga walang babaguhin e. Hahaha.
Salamat uli sa pagiging parte ng 2012 ko. Sana sa 2013, maging parte pa din kayo. Happy new year! =)
Sunday, December 30, 2012
Friday, December 28, 2012
12/28/12
Masarap sa pakiramdam yung makakasama mo yung mga kaibigan mo pagkatapos ng maraming buwan na hindi pagkikita. Pero mas masarap sa pakiramdam yung may mga tunay kang kaibigan.
5 years na pagkakaibigan? Di ko ineexpect to. Sabi ng iba bihira yung nakakatagal sa ganyan. Di siguro totoo to. Kami lang na mga di nagkikita madalas, e buong buo pa, diba?
Sabi nila, walang permanente sa mundo. E yung samahan ba namen? Permanente to. Barkada lang namin ang permanente. Itaga na sa bato yan. Hahaha.
Pero ang saya talaga nung araw na to. Yung kahit puro kami kahihiyan. Pinagtinginan na sa KFC dahil sa harot at ingay, pinagtinginan sa Tom's World dahil naghiyawan, Dumukot ng token sa World of Fun at marami pa. Siguro tama nga. Wala ka na talagang pakielam sa sasabihin ng iba, basta ang alam mo MASAYA ka. Kahit ano pa ginagawa nyo, basta MASAYA kayo, ayos lang.
Tuloy tuloy lang natin to. Walang limutan, walang selosan, walang traydoran, walang inisan, walang iwanan. Ganyan tayo e. Permanente. Wagas nga eh! =)

Wednesday, November 7, 2012
Pag-ibig o Kaibigan?
Pag-ibig o kaibigan? Kaibigan o pag-ibig? Eto madalas na issue e. Napapanahon. Pero pano kung dumating ka sa point na kailangan mo ng mamili sa dalawa? Anong pipiliin mo at bakit? Pinili mo ba yon dahil sya ang nauna kesa sa isa o dahil alam mong eto ang mas makakabuti para sayo?
Kung pananaw ko lang rin naman ang susundin, kaya naman pagsabayin yan e. Wala lang lamangan. Bakit walang lamangan? Kahit na ba boyfriend/girlfriend mo sya, hindi pa rin sya pwedeng lumamang kay kaibigan (Pwede lang to mai-apply kung si kaibigan e malaki na yung naging part sa buhay mo). Kahit nauna si boyfriend/girlfriend, hindi pa rin pwede. Bakit? Pano kung magkaproblema kayo? Kanino ka ba lumalapit? Sa kaibigan diba? Kapag nagkaproblema kayo ng kaibigan mo, kanino ka rin ba lumalapit? Kay boyfriend/girlfriend, diba?
Sa panahon ngayon, di na rin naman uso ang pinagsasabay. Minsan, kahit na kaya mo naman pagsabayin yung dalawa na 'to, kailangan mo pa rin mamili e. Kung ako, pipiliin ko ang kaibigan. Bakit? E kahit ano namang gawin mo, kung may lalaki/babae na para sayo, darating yon. Kahit ilang bundok pa yung pagitan ninyo, magkikita at magkikita pa rin kayo. Pero ang kaibigan? Minsan ka lang makahanap ng totoong kaibigan. Bibihira nalang yung totoo sa mundo ngayon tapos pakakawalan mo pa? Sayang naman, diba? Baka tumanda ka nalang ng hindi mo pa nakikita yung tunay na kaibigan mo dahil busy ka sa love life mo. Kawawa ka naman kung ganun. Pero ewan ko rin. Ang kaibigan kase lahat pwede e. Ganun rin naman sa boyfriend/girlfriend. Ewan ko ba. Magulo rin ang buhay e. Husayan nalang ang pagpili at siguraduhin na walang masasaktan at walang paghihinayang yung gagawin mo sa huli.
Hindi lahat ng tao kakayanin mong iwan para lang sa isa pero minsan dumarating tayo sa punto na kung saan kinakailangan na may masaktan. Pero eto lang ang tandaan mo, ang kaibigan, hinding hindi ka iiwan nyan. Tatalikuran ka na ng lahat ng tao, nandyan pa rin sya. Hindi mo kailangan mag-expect ng kahit ano tuwing may okasyon na para lang sa inyong dalawa. Walang lamangan na mangyayari. Walang sukatan ng kasiyahan. Ang point ko lang naman kase talaga, piliin mo ang kaibigan. Pero diba nga, desisyon mo yan. Matanda ka na, kaya mo ng magdesisyon ng mag-isa PERO siguraduhin mong tama yung gagawin mong desisyon. Mahirap magsisi sa huli. =)

Tuesday, November 6, 2012
Tanga? O tanga-tangahan?
May mga taong sadyang tanga talaga e. Tipong nagpapakatanga para lang sa isang tao? Bakit may mga ganito? Mahirap bang wag magpakatanga sa kanila? Deserving ba yung mga taong dahilan ng pagiging tanga nila?
Minsan, hindi mo rin maintindihan ang mundo e. Akala natin nung una, sa pag-ibig lang pwede maging tanga ang isang tao. Pwede rin pala sa kaibigan. Pero bakit tayo nagiging tanga kahit sa mga kaibigan? Dahil ba sobrang attached tayo sa kanila? O sadyang paasa lang talaga sila? Ganyan naman ang ibang tao e. Paaasahin ka lang nyan. Nadala ka na nung una, nagpaulit ka pa. E sinong tanga? Diba ikaw? Ganto lang naman yan e. Wag kang umaasa sa mga taong minsan ka ng pinaasa at iniwan. Yun lang naman kaya mong gawin e. O kaya naman pwede ring magpakatanga ka hanggang huli at hintayin mong magawa nya lahat ng sinasabi nya.
Pero isipin mo, sa bandang huli, sino ba kawawa? Ikaw? Dahil pinaasa ka? Hindi e. Diba sya? Sya kase yung nang-iwan. Sya yung nang-iwan sa taong akala nya balewala lang sa kanya. Marami pang tao jan. Hindi lang sya yung pwede mong maging kaibigan sa mundo na 'to. Nandyan pa rin naman SILA. Malay mo, sa kanila, mas masaya at hindi masasayang yung mga effort na ginagawa mo. Hindi man sukatan ang tagal ng pinagsamahan, pero jan din naman madalas binabase kung gano katatag, diba? Ewan ko. Pananaw lang naman 'to. Kaibigan, magpapakatanga ka pa rin ba? =)

Friday, November 2, 2012
Best friend
Ano nga ba ang ibig sabihin ng best friend? Diba kaya nga
best friend kasi BEST among the rest? Napakasarap sa pakiramdam kapag may
ganito ka. Tipong sila yung sinasabihan mo ng mga problema, hinanaing o kahit
ano pa man yan. Sila yung masasabi mong mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay.
Pero pano kung dumating yung punto na magsawa na kayo? Yung panahon na wala na
yung title ninyo sa isa’t isa na “best friend”? O kahit sya, hindi mo na ramdam
yung pagiging best friend nya?
Napakahirap dumating sa punto na ganito. Yung noon, lagi
kayong nagtatawanan, nagsasabihan ng problema tapos bigla lang mananawa at
mawawalan ng gana. Kadalasang dahilan nito ay pagiging busy at ang tinatawag na
“selos”. Sa panahon ngayon, napakabusy na ng mga tao. Yung monthsary nyo na nga lang na magbestfriend, hindi nya pa maalala? Yung simpleng birthday mo, nakakalimutan nya? Kadalasan jan nauuwi yung pag aaway e. Sa pagiging seloso/selosa naman, common na 'to pero bakit nga ba nagseselos? Dahil siguro may nahanap na siya na bagong kaibigan? O dahil masyadong nakatuon na yung sarili nya dun sa boyfriend/girlfriend nya? Pero diba, ano bang magagawa mo sa mga yon? E best friend ka lang. Pano kung sinabi mo yung nararamdaman mo na nagseselos ka sa mga taong yon? Tapos sasabihin sayo, "best friend LANG kita". Masakit, diba? Pero pag isipan mo 'to. Ituloy mo lang kung ano yung mga gusto mong gawin sa kanya, pasayahin mo sya. Ituring mo syang best friend mo pa rin kahit na busy sya o nagseselos ka. Hanggang sa manawa ka na at marealize nya na yung importansya mo. Ganyan naman ang tao e, kung kelan sawa ka na, saka ka naman lalapitan. Tiyagaan na nga lang siguro talaga. Tandaan na hindi basehan ang titulo na "best friend" sa pagiging importante mo sa kanya. Maraming klase ng "friend". Special friend, True friend, Best friend at minsan pa nga may Super friend. Kung special friend, true friend o best friend ka, be thankful. Pero kung super friend ka? Be more thankful. Ewan ko, hindi kasi common yung term na 'to. Ang korni sobra pero parang lahat na nasa kanya pag sinabi to. Yung pagiging special friend, true friend at best friend sa kanya mo na lahat makikita. Kung may ganito ka, swerte mo, sobra. At kung ikaw yung ganito nya, napakaswerte mo. =)
Super friend, asan ka? Hahaha. Korni pakinggan. =)
Saturday, September 8, 2012
HBD MJSB
Dear
kaibigan,
Hi. Parang
kelan lang, hindi tayo nagkapansinan ah? Alam mo, napakarami na nating
napagdaanan din. Bakit kamo? Dami na nating naging problema e. Maraming beses
ko na kayong nasaktan. Pero kahit ganun, nakakatuwa lang kasi hanggang ngayon
magkakasama pa rin tayo. Mabait nga kasi tayo, diba?
Gusto ko
lang sana magsorry. Sorry kung nasaktan ko kayo. Sinabi ko na sayo yung dahilan,
diba? Binabago ko na naman yung ugali ko na yun e. Promise. Tapos thank you din
kasi nga hanggang ngayon, anjan pa rin kayo pag may problema yung bawat isa
saten. Yung hindi kayo sumusuko. Sobrang salamat dun.
Pero eto
talaga gusto kong sabihin e. Happy birthday Mary Joyce Bernardino. Mahal ka
namen ni mameng Lorraine, bebs Carmina, bespren Marby at labs mong si Ervin.
Dito lang kami lagi ah. Wag ka mahihiya mag-open ng problema. Mejo nabawasan
man yung trust, sana may tiwala ka pa rin. Happy birthday. Enjoy mo yung araw
na ‘to. Ingat. =)
From:
WU_JU
Saturday, September 1, 2012
Kasiyahan
Isang buwan
na yung lumipas nung muli kaming nagkasama sama at nabuo. Alam naming maraming
tao ang “against” sa pagsasamahan namin lalong lalo na sa pagkakaibigan namin.
Pero lahat ng yon nababalewala. Bakit? Simple lang. Dito kami masaya e kaya
kahit anong kontra pa ng iba, hinding hindi kami papayag na mabuwag ng basta
basta.
Lahat naman
ng magkakaibigan, dumadaan sa problema. Oo, dinaanan na namin yan, maraming
beses na. Pero eto kami ngayon, magkakasama ulit. Masyadong maraming dahilan
kung bakit sila pa rin talaga yung mga gusto kong makasama. Basta ang alam ko,
kuntento na ko sa kanila. Masaya ko kapag kasama sila. May mga oras man na
hindi namin maiiwasan na magkaroon ng problema, nangingibabaw pa rin yung
pagsasama naming lahat.
Sa mga
kaibigan kong tinutukoy dito, gusto kong magpasalamat sa inyo kasi kung hindi
dahil sa inyo, hindi ako sasaya sa college ng ganito. Salamat sa lahat ng
memories, mapamagandang memories man yan o hindi, salamat pa rin. Salamat sa
tawanan, drama, iyakan, kaartehan, kaharutan, kasiyahan, katatakutan at mga
tsismis na ibinahagi nyo saken. Salamat sa lahat. Sana etong pagsasamahan na ‘to,
magtuloy tuloy pa hanggang sa kung kelan natin mga gugustuhin. Masaya ko simula
nung nabuo tayo. Yung tipong wala talagang dull moments, walang boring na mga
araw.
Gusto ko
lang naman sabihing, Happy monthsary sa pagkakaibigan natin. At Happy 1 year
and 5 months para sa pangkalahatan na pagsasama. Tuloy tuloy pa natin ‘to.
Masaya eh. =)
Monday, August 27, 2012
Barkada nga eh!
Ang sarap sa
pakiramdam kapag gumraduate ka na. Yung tipong magtatrabaho ka na at kikita ng
pera. Yung hindi mo na kailangan mag aral para sa isang exam. Basta yung mga
bagay na kinaaasaran mo nung nag aaral ka pa, e hindi mo na mararanasan. Pero
masaya nga ba? O masaya lang dahil nalagpasan mo na yung mga paghihirap?
Isa sa mga
natutunan ko habang nag aaral pa ko ay yung pakikisama. Natutunan kong umiyak,
tumawa, matakot at maging masaya sa harap ng barkada. Barkada ang madalas
nating nagiging dahilan kung bakit patuloy pa rin tayong pumapasok sa skwela
bukod sa makapasa tayo at wag maabsent. Nakakatuwang isipin na sa dinami rami
ng tao sa mundo, isa ko sa mga pinaka maswerteng tao dahil nakatagpo ako ng mga
barkadang tanggap ako. Tanggap yung ugali ko lalong lalo na yung kaharutan ko.
Bibihira na lang yung grupo ng mga taong kaya mong ituring bilang isang tunay
na kaibigan. Pero sabi nga, wala namang permanente sa mundo. Pagkatapos ng
graduation nyan, panigurado magkakawatak watak na. May ibang nagiging busy sa
trabaho at pamilya at di rin maiiwasan na magkaron ng mga taong nakakalimot.
Pero diba nasa tao pa rin naman ang desisyon? Nasa kanya kung gusto nya na lang
makalimot at iwanan yung mga kaibigan nya.
Ngayon
palang, habang kasama mo pa sila ng halos araw araw, pahalagahan mo na sila.
Gawin mong memorable lahat ng araw nyong magkasama. Hangga’t maari puro na
masasaya yung gawin nyo. Kasi pag gumraduate na kayo, hindi maaalis yung
possibility na magkahiwahiwalay na kayo. Maging masaya ka sa kung anong meron
ka ngayon.
-------------------
Sa sarili
kong pananaw, ako yung taong hindi mabilis makalimot. Tipong yung simpleng
nagawa mo, hindi ko makakalimutan yan, yung candy na binigay mo, hindi ko
itatapon yan. E pano pa kung napasaya mo ko? Mas lalong hindi kita
makakalimutan. Para sa mga barkada ko, alam nyo na kung sino kayo, hindi ko
kayo makakalimutan. Tandaan nyo yan. Kahit sa saglit na panahon lang, napasaya
nyo ko ng sobra. Sa bawat tsismis, tawanan at dramahan, magkakasama tayo. Basta,
isang text at chat nyo lang, magrereply agad ako. Isang tawag nyo lang,
sasagutin ko na agad.
Pero dahil
nga wala ulit permanente sa mundo, kahit third year palang tayo, gusto ko na
kayong pasalamatan. Ang layo na ng pinagdaanan naten, may iyakan, may tawanan
at kung anu ano pang klase ng problema. Salamat mga kaibigan! Nasaktan ko man
kayo noon, pinapangako ko sa inyong hindi na mauulit yon. Basta pakiremind na
lang ako palagi na magbago ng pag uugali ko. Kilala nyo na naman ako, dba? Pero
promise babaguhin ko to. Pero kung yun nga, nasaktan ko man kayo ng sobra,
humihingi ako ng sorry. Lalo na kung minsan nasasaktan na kayo sa mga sinasabi
ko kase madalas hindi naman ako aware at yun na rin yung nakagawian ko mula nung
high school pa ko kaya mahirap na din baguhin. Pero ittry ko ngang baguhin para
sa inyo. Basta salamat sa lahat. Walang kalimutan. Okay? Mahal ko kayo e pati
na rin kayo. Mamimiss ko kayo. AS IN. Lahat kayo. =)
Sunday, August 26, 2012
Thesis
Midterm na!
Wala pa rin akong nasisimulan. Bakit ba naimbento ang thesis? Panigurado, hindi
lang naman ako yung estudyante na nagtataka dito. Pero, ang tanong ko, batayan
ba ang thesis para makapasa ka?
Isa sa
pinakamahirap na daranasin mo daw kapag college ka na ay ang paggawa ng thesis,
sumunod na lang dito ang pagdedefense. Bilang isang college student, aaminin
ko, mahirap gumawa ng thesis kahit hindi pa rin ako gumagawa hanggang ngayon.
Nahirapan ka na nga sa pag iisip ng topic, mahihirapan ka pa din sa
pagreresearch tungkol dito. Kailangan mo gumawa ng survey at questionnaires,
mag isip ng panimula, solusyon at kung anu ano pa. Eto yung tipong gagana at dudugo
talaga ang utak mo. Siguro nga, batayan nga talaga to para makapasa ka sa
college. Maaaring isang paraan din to para maihanda ka nila sa mas mahirap pang
pag iisip na daranasin mo kapag nagtrabaho ka na.
Sa mga
gumagawa ng thesis, sulitin nyo na ang pag gawa. Mamimiss nyo din yan kapag
gumraduate na tayo. Tiwala lang naman ang kaya nating gawing solusyon pag
gumagawa tayo ng thesis eh. Malalampasan din natin to. Magtiwala lang tayo sa
mga kagroup natin at sa sarili natin pati na rin sa mga kapeng iinumin natin na
sana makatulong para matapos natin agad at mapasa ang ating thesis.
Monday, August 20, 2012
ISANG sulat para sa DALAWANG kaibigan
Dear _______
& ________,
Hi. Napakamahiyain ko para dito
ko pa sabihin to pero sana basahin nyo ng mabuti to, intindihin at isapuso yung
nilalaman. 2 years na halos tayong magkakakilala pero sa 2 years na yon, hindi
ko akalaing ganito yung magiging pakikitungo ko sa inyo. Masaya pero bakit
ganun? Hindi ko alam kung bakit masaya. Walang explanation, ang alam ko lang,
masaya akong kasama kayo. Very unexpected talaga yung nangyari. Seryoso. Kase,
basta kayo na lang nakakaalam nung dahilan na yun.
Nung una ko kayong nakilala,
hindi ko naman akalain na aabot tayo sa ganito. Hindi naman tayo magkaka-ugali
noon. Yung isa, napakabait ng dating pero sobrang tahimik kung pagmamasdan, na
nagmumuka syang loner minsan. Yung isa naman, first impression ko e mataray
talaga, yung akala ko hindi kita makakaclose. Hindi ko na alam kung pano ko kayo nakasama at
kung kelan ko kayo unang nakausap. Huhulaan ko na lang. Yung isa, alam ko inaya
ka namin na sumama samin non, kase akala ko talaga loner ka, ayoko namang
nakakakita ng ganun so ginusto kong makipagkaibigan sayo. Yung isa naman, hindi ko talaga alam kung
papano e, siguro kase madalas tayong magkatabi noon, kase magkalapit lang yung
surname nating dalawa. Kaya ayon siguro, nagkaka-kwentuhan tayo ng dahil dun. Second sem na ata nung sobra ko kayong
nakilala at nakakwentuhan. Pero tama na yung pagkwento tungkol sa kung pano
tayo nagkausap usap. Kukwento ko na lang kung pano ko naging masaya.
Etong si una, napakabait nito,
yung tipong gugustuhin mo syang makasama kasi para kang may kasamang kapatid na
nakakatanda sayo. Hindi ko akalain na magiging masaya kong kasama kita kasi ang
taas ng respeto ko sayo. Hindi lang dahil sa turing namin sayo kundi dahil ang
bait mo talaga. Minsan nga dahil sa kabaitan mo, hindi ko akalain na may harot
ka rin pala sa katawan. Hindi naman siguro yun dahil sa amin, diba? Pero eto,
totoo talaga, alam mo bang kahit minsan e hindi ako nagalit o nainis o
naghinanaing sayo? Ewan ko kung bakit.
Eto namang si pangalawa,
masasabi kong sa loob ng 2 years, ang dami na nating pinagdaanan. Bakit kamo?
Siguro kase, ang dami na nating problemang nalagpasan? Ewan ko. Bakit pagdating
sayo, kapag nagkakaproblema tayo, hindi ako napapagod na gumawa ng solusyon. As
in. Kahit minsan, hindi ko sinabing “pagod na ko”. Kasi siguro gusto pa kitang
makilala. Hindi dahil hindi ko pa alam yung ugali mo. Siguro dahil gusto ko
lang kayo makasama pa. Alam ko, napaiyak na kita noon, pero gusto kong malaman
mo na kapag ako, nagpaiyak ng kaibigan, bumabawi ako ng grabe sa kanya. Yung
tipong kailangan kong palitan yung luhang nilabas nya ng dahil saken.
Bihira akong magbigay ng buong
pagtitiwala sa kaibigan. Tama naman na mahirap magtiwala sa isang tao, diba?
Lalo naman sa dalawang tao pa. Doble yung hirap nun. Pero alam ko namang hindi
nyo basta basta sasayangin to at puputulin na lang bigla. Gusto kong malaman
nyo na kayo ang unang makakaranas ng ganito mula saken. Hindi yung
mapagkatiwalaan. Unang makakaranas ng kadramahang ganito. Madrama kong tao, oo,
inaamin ko naman yun. Pero yung pagdadrama na to e hugot na hugot talaga sa
puso. Naks, diba?
Ayokong mangako na hindi tayo
magkakaron ng problema. Ayoko rin namang magsalita o magsabi ng tapos. Yung
ugali ko, hanggang ngayon pinaprocess pa rin na baguhin. Pero gusto kong
malaman nyo na hindi ako mapapagod na mag-isip ng solusyon kung magkaproblema
man tayo. Hindi ko kayo basta na lang iiwan, isusuko at babalewalain. Pero kung
sakali man na magkaproblema tayo, at nahiwalay ako sa inyo, tandaan nyo na
hindi ako basta basta nakakalimot sa kaibigan lalo na kung kayong dalawa yun.
Basta, diba nga paulit ulit kong sinasabi sa inyo na masaya ko kase kayo yung
kasama ko. Ayoko ng maputol talaga to. As in. Hindi ko alam kung pano magiging
reaksyon ko kapag nahiwalay ako sa inyo. Pero basta. Lagi nyo na lang basahin
to. Ginawan ko kayo ng ganito kase ganito ko ka-thankful dahil nakilala ko kayo
at nakasama ko kayo. Siguro naman, ng dahil dito sa sulat na ‘to, malalaman nyo
ng masaya kong kasama kayo, diba? Basta thank you sa inyong dalawa. Sana
magtuloy tuloy pa talaga ‘to, yung tipong wala ng katapusan. The best kayo eh.
As in. =)
Saturday, August 18, 2012
Tunay na kaibigan
Ang sarap sa
pakiramdam ng may kaibigan ka, yung lagi kang may kasama, kakwentuhan,
kaharutan at kahit kaiyakan pero diba mas masarap kung yung kaibigan na yun e
sobrang kaclose mo? Yung tipong palagay yung loob mo sa kanya? Yung tipong may
tiwala ka talaga sa kanila?
Sa panahon
ngayon, ang hirap ng magtiwala sa tao. Hindi lahat handang itago lahat ng
sikreto mo, hindi lahat ay totoo. Napakaswerte mo na kung makakatagpo ka ng
kaibigang kagaya nito, yung hindi na sya iba para sayo. Yung sobrang sarap nya
makasama at lahat kaya mong sabihin sa kanya.
Pareho kayo ng kinaaayawan at pareho din kayo minsan ng kinahihiligan.
Minsan kung umasta pa kayo e para kayong mag best friend pero hindi naman.
Sadyang may mga magkakaibigan lang talaga na sa sobrang pagpapahalaga nyo sa
isa’t isa, sumosobra na rin yung turing nyo sa bawat isa. Sobrang magka close
kayo at wala na talagang topic na hindi buhay kapag kayo ay nagkukwentuhan. Sa
bawat problema, lagi mong ginugusto na magkaayos kayo yung tipong hindi mo sila
isusuko, yung hindi ka napapagod para suyuin lang sila at maayos yung problema
nyo. Sa bawat chismis, sabay kayong makibalita sa iba. Sa bawat kalokohan,
magkasama kayong tumatawa at nagsasaya. Masarap sa pakiramdam kapag nahanap mo
na yung totoo mong kaibigan. Hindi ka pinupuna sa gusto mong gawin, yung
tanggap ka kung ano yung ugali mo, yung may limitasyon yung ginagawa mo kasama
sila pero walang hangganan yung kasiyahan.
Mahirap
ipagkatiwala ang tiwala sa isang tao pero masarap sa pakiramdam kung pinagkakatiwalaan
ka. Pahalagahan mo yung mga taong nakapaligid sayo gaya ng pagpapahalaga nila
sayo. Bigyan mo sila ng respeto na nararapat para sa kanila. Ituring mo sila na
isang tunay at mapagkakatiwalaang kaibigan. Bihira na lang sa mundo yung
ganyan. Malay mo, kapag binitawan mo sila, hindi ka na ulit makahanap ng kagaya
nila. Mahalin mo sila na parang isang tunay na kapatid. Magtiwala ka lang,
masusuklian din yung pagpapahalaga mo para sa kanila.
Monday, August 6, 2012
Delubyo
Tuwing may pasok lalo na kung tuwing June hanggang October, madalas natin itong nararanasan. Madalas, mas hinihiling ito ng mga estudyante para mawalan ng pasok. Pero alam ba natin ang mga masasamang dulot nito, hindi lang sa atin kundi sa mga taong walang permanenteng tirahan?
Maraming dulot ang bagyo sa atin, kadalasan nga lang ay masama at nakakaperwisyo pa. Sa tuwing nagkakaron ng bagyo, nag iiwan ito ng kalat sa mga kalye. Nag iiwan ng mga bakas na kung saan maraming tao ang naaabala at nasasalanta. Sa isang katulad kong estudyante, hindi mawawala sa atin ang kasiyahan sa tuwing mawawalan ng pasok lalo na kung ang dahilan pa ay ‘suspension of classes’. Kadalasang dahilan ng pagkawala ng pasok bukod sa pagkakaroon ng holiday ay dahil sa bagyo. Pero alam nga ba natin ang tunay na dinudulot ng bagyo sa atin? Maraming tao ang nasasalanta ng bagyo lalo na yung mga taong walang tirahan at nasa tabi lamang ng ilog o dagat nakatira. Noong tayo ay bata pa lamang, sinasabi ng matatanda na hindi nila ito nararanasan. Tama naman na iba na nga ang mga tao ngayon, minsan makakita ng bakanteng lote, magtatapon na agad ng basura. Minsan makakakita ng basura sa daan, dadaanan lang natin at titignan. Sa underpass malapit sa FEU, sinasabi ng mga matatanda na hindi ito kahit minsang napuno ng tubig ng dahil sa baha. Siguro ang dahilan lang nito ay ang pagtatapon ng basura ng mga tao na dumadaan at nakapaligid dito. Ang Marikina, umaabot na rin ng hanggang lagpas tao ang baha. Ang bagyo rin ang nagiging dahilan kung bakit maraming tao ang nawawalan ng tirahan at namamatay. Ang mga bahay na dating hindi naaabot ng baha, ngayon ay binabaha na. Nakakapagtaka lang na ng dahil lang sa kapabayaan natin, maraming tao ang nawawalan ng tirahan at nasasalanta.
Bilang estudyante, sana hindi lang natin naiisip yung sarili natin, sana isipin rin natin yung mga taong maaaring maapektuhan nito. Kung gusto mo ng walang pasok, wag ka na lang pumasok pero wag mo hihilingin na sana bumagyo ng malakas dahil swerte ka at nakatira ka sa isang ligtas na lugar

Wednesday, August 1, 2012
Pakopya
Naranasan mo na ba ang mangopya? Sabi nila hindi mo
mararamdaman ang pagiging isang tunay na estudyante kung hindi ka mangongopya.
Pinakamabisang paraan raw ito para makapasa. Maraming paraan ang naiisip ng
isang estudyante sa tuwing mangongopya.
Isa sa mga paraan na ginagawa tuwing mangongopya ay ang
pagtotoka toka. Sa pagtotoka toka, nandyan na ang pag-aasign sa bawat kaklase
ng mga kinakailangan nyang tandaan at pag-aralan. Halimbawa, ang isa ay
kinakailangang tandaan ang mga importanteng terms, meron ding mga taga-kabisado
ng formula, taga-tanda ng mga dates at iba pa.
Sa pangongopya, mararanasan din natin ang mga kaklaseng
nagiging ka-close mo bigla, yung tipong nagiging kaibigan mo lang tuwing may
kailangan sila sayo, nag-eexist ka lang tuwing may magagawa kang
kapaki-pakinabang sa kanila. Meron ding paraan ng pangongopya kung saan
sinisipa nila ang upuan mo sa tuwing magtatanong sila, maaari din silang
sumuwit o kaya naman umubo kapag kailangan ka na nila. May paraan din na kung
saan may mga naka-assign na senyas sa bawat sagot. Halimbawa, sa true or false,
ang katumbas ng true ay pag-ubo at katumbas ng false ay pagkamot ng ulo. Nauso
rin ang paggamit ng scotch tape, hindi para sa pagbura kundi para makapagbigay
ng sagot sa kaklase. Kadalasan itong nagagamit tuwing bawal magbura sa exam.
Inilalagay nila ang mga sagot nila sa scotch tape kasama ang number nito. Sa
pagcompute sa exam, magagamit rin ang pangongopya. Sa bawat scratch paper ng
kaklase mo, sayo ang bagsak ng basura nila dahil may mga sagot ito sa loob.
Tuwing exam, meron ding tinatawag na team work. Dito,
magtutulungan ang bawat isa para makapangopya ka sa kaklase mo. May pagkakataon
na ang isa mong kaklase na madaldal ay kakausapin ng matagal ang teacher nyo
para hindi nya mapansin na nagkokopyahan na kayo.
Maraming pang paraan ang pangongopya, konsensya na lang
natin kung gagawin natin ito o hindi. Sabi nga nila “honesty is the best policy”,
pero sabi pa rin nung iba pa “honesty is just a policy”. Mas ayos na nga raw
ang mangopya ka lang kesa naman sa mangodigo ka. Sa pangongopya, alam mo pa rin
sa sarili mo na may natatandaan ka pa rin sa mga itinuro sa inyo. Pero kung
ikaw ay mangongodigo lang, wag ka na mag-exam kasi para mo na rin lang kinopya
yung mga nasa libro. Ito lang naman ang payo na maaari nating maibigay sa mga
nangongopya, mag-ingat ka dahil kapag nahuli ka masisira na yung tiwalang
binibigay sayo ng teacher nyo.
Kaibigan
Minsan sa buhay natin, darating talaga ang mga problema. Mga problemang mahirap gawan ng solusyon, mahirap lagpasan. Sa pagkakaibigan, normal na yung magkakaron tayo ng problema. Minsan nalalagpasan agad, minsan naman hindi na. Naranasan mo na ba ‘to? Bato ka siguro kung hindi pa. Kahit gaano pa katatag pagsasamahan nyo, mawawala at mawawala din yan sa isang simpleng hindi pagkakaintindihan.
Noon, ang kulit nyo tignan. Araw araw na harutan, kwentuhan at murahan na may kasamang tawanan. Madalas kayong magkakwentuhan, nagsasabihan ng problema, nagsasabihan ng kalokohan sa buhay, magkatabi at sabay umuwi. Pero lahat ng iyon, nasisira ng dahil lang sa maling nagawa ng isa o ninyong dalawa. Kadalasan, pride ang nangingibabaw kaya hindi kaagad nagagawan ng paraan ang problema. Maaaring mataas ang pride, maaari din namang nagkakahiyaan lang talaga mag-usap. Lahat ng harot nyo sa isa’t isa, nawawala, nagiging matino at pormal na ulit yung usapan. Minsan, simpleng “hi” at “hello”, hindi pa natin magawa. Simpleng dahilan ng hindi pagkakaintindihan, lalong lumalala dahil minsan akala natin lalong nadadagdagan yung kasalanan natin sa kanila sa bawat araw na hindi pagpansin sa mga ito.
Pero sabi nga, lahat ng problema ay may solusyon, kung wala, napanghihinaan ka lang talaga ng loob at hindi mo sya kayang kausapin talaga. Kung gusto, maraming paraan at kung ayaw, maraming dahilan. Lagi na lang natin tandaan, yung mga kaibigan natin na nalalayo ang loob sa atin, naging isang malaking parte pa rin sila ng buhay natin. Hindi natin dapat sila basta na lang isuko. Kailangan natin silang ipaglaban dahil mahirap ang mawalan ng kaibigan. At kung tunay talaga kayong magkaibigan, kahit anong hadlang pa yan, malalagpasan nyo rin yan basta’t magkasama at tiwala lang sa isa’t isa. =)

Subscribe to:
Posts (Atom)