Midterm na!
Wala pa rin akong nasisimulan. Bakit ba naimbento ang thesis? Panigurado, hindi
lang naman ako yung estudyante na nagtataka dito. Pero, ang tanong ko, batayan
ba ang thesis para makapasa ka?
Isa sa
pinakamahirap na daranasin mo daw kapag college ka na ay ang paggawa ng thesis,
sumunod na lang dito ang pagdedefense. Bilang isang college student, aaminin
ko, mahirap gumawa ng thesis kahit hindi pa rin ako gumagawa hanggang ngayon.
Nahirapan ka na nga sa pag iisip ng topic, mahihirapan ka pa din sa
pagreresearch tungkol dito. Kailangan mo gumawa ng survey at questionnaires,
mag isip ng panimula, solusyon at kung anu ano pa. Eto yung tipong gagana at dudugo
talaga ang utak mo. Siguro nga, batayan nga talaga to para makapasa ka sa
college. Maaaring isang paraan din to para maihanda ka nila sa mas mahirap pang
pag iisip na daranasin mo kapag nagtrabaho ka na.
Sa mga
gumagawa ng thesis, sulitin nyo na ang pag gawa. Mamimiss nyo din yan kapag
gumraduate na tayo. Tiwala lang naman ang kaya nating gawing solusyon pag
gumagawa tayo ng thesis eh. Malalampasan din natin to. Magtiwala lang tayo sa
mga kagroup natin at sa sarili natin pati na rin sa mga kapeng iinumin natin na
sana makatulong para matapos natin agad at mapasa ang ating thesis.
No comments:
Post a Comment