Wednesday, November 7, 2012

Pag-ibig o Kaibigan?

Pag-ibig o kaibigan? Kaibigan o pag-ibig? Eto madalas na issue e. Napapanahon. Pero pano kung dumating ka sa point na kailangan mo ng mamili sa dalawa? Anong pipiliin mo at bakit? Pinili mo ba yon dahil sya ang nauna kesa sa isa o dahil alam mong eto ang mas makakabuti para sayo?

Kung pananaw ko lang rin naman ang susundin, kaya naman pagsabayin yan e. Wala lang lamangan. Bakit walang lamangan? Kahit na ba boyfriend/girlfriend mo sya, hindi pa rin sya pwedeng lumamang kay kaibigan (Pwede lang to mai-apply kung si kaibigan e malaki na yung naging part sa buhay mo). Kahit nauna si boyfriend/girlfriend, hindi pa rin pwede. Bakit? Pano kung magkaproblema kayo? Kanino ka ba lumalapit? Sa kaibigan diba? Kapag nagkaproblema kayo ng kaibigan mo, kanino ka rin ba lumalapit? Kay boyfriend/girlfriend, diba?

Sa panahon ngayon, di na rin naman uso ang pinagsasabay. Minsan, kahit na kaya mo naman pagsabayin yung dalawa na 'to, kailangan mo pa rin mamili e. Kung ako, pipiliin ko ang kaibigan. Bakit? E kahit ano namang gawin mo, kung may lalaki/babae na para sayo, darating yon. Kahit ilang bundok pa yung pagitan ninyo, magkikita at magkikita pa rin kayo. Pero ang kaibigan? Minsan ka lang makahanap ng totoong kaibigan. Bibihira nalang yung totoo sa mundo ngayon tapos pakakawalan mo pa? Sayang naman, diba? Baka tumanda ka nalang ng hindi mo pa nakikita yung tunay na kaibigan mo dahil busy ka sa love life mo. Kawawa ka naman kung ganun. Pero ewan ko rin. Ang kaibigan kase lahat pwede e. Ganun rin naman sa boyfriend/girlfriend. Ewan ko ba. Magulo rin ang buhay e. Husayan nalang ang pagpili at siguraduhin na walang masasaktan at walang paghihinayang yung gagawin mo sa huli.

Hindi lahat ng tao kakayanin mong iwan para lang sa isa pero minsan dumarating tayo sa punto na kung saan kinakailangan na may masaktan. Pero eto lang ang tandaan mo, ang kaibigan, hinding hindi ka iiwan nyan. Tatalikuran ka na ng lahat ng tao, nandyan pa rin sya. Hindi mo kailangan mag-expect ng kahit ano tuwing may okasyon na para lang sa inyong dalawa. Walang lamangan na mangyayari. Walang sukatan ng kasiyahan. Ang point ko lang naman kase talaga, piliin mo ang kaibigan. Pero diba nga, desisyon mo yan. Matanda ka na, kaya mo ng magdesisyon ng mag-isa PERO siguraduhin mong tama yung gagawin mong desisyon. Mahirap magsisi sa huli. =)

No comments:

Post a Comment