May mga taong sadyang tanga talaga e. Tipong nagpapakatanga para lang sa isang tao? Bakit may mga ganito? Mahirap bang wag magpakatanga sa kanila? Deserving ba yung mga taong dahilan ng pagiging tanga nila?
Minsan, hindi mo rin maintindihan ang mundo e. Akala natin nung una, sa pag-ibig lang pwede maging tanga ang isang tao. Pwede rin pala sa kaibigan. Pero bakit tayo nagiging tanga kahit sa mga kaibigan? Dahil ba sobrang attached tayo sa kanila? O sadyang paasa lang talaga sila? Ganyan naman ang ibang tao e. Paaasahin ka lang nyan. Nadala ka na nung una, nagpaulit ka pa. E sinong tanga? Diba ikaw? Ganto lang naman yan e. Wag kang umaasa sa mga taong minsan ka ng pinaasa at iniwan. Yun lang naman kaya mong gawin e. O kaya naman pwede ring magpakatanga ka hanggang huli at hintayin mong magawa nya lahat ng sinasabi nya.
Pero isipin mo, sa bandang huli, sino ba kawawa? Ikaw? Dahil pinaasa ka? Hindi e. Diba sya? Sya kase yung nang-iwan. Sya yung nang-iwan sa taong akala nya balewala lang sa kanya. Marami pang tao jan. Hindi lang sya yung pwede mong maging kaibigan sa mundo na 'to. Nandyan pa rin naman SILA. Malay mo, sa kanila, mas masaya at hindi masasayang yung mga effort na ginagawa mo. Hindi man sukatan ang tagal ng pinagsamahan, pero jan din naman madalas binabase kung gano katatag, diba? Ewan ko. Pananaw lang naman 'to. Kaibigan, magpapakatanga ka pa rin ba? =)
No comments:
Post a Comment