Friday, December 28, 2012

12/28/12

Masarap sa pakiramdam yung makakasama mo yung mga kaibigan mo pagkatapos ng maraming buwan na hindi pagkikita. Pero mas masarap sa pakiramdam yung may mga tunay kang kaibigan.

5 years na pagkakaibigan? Di ko ineexpect to. Sabi ng iba bihira yung nakakatagal sa ganyan. Di siguro totoo to. Kami lang na mga di nagkikita madalas, e buong buo pa, diba?

Sabi nila, walang permanente sa mundo. E yung samahan ba namen? Permanente to. Barkada lang namin ang permanente. Itaga na sa bato yan. Hahaha.

Pero ang saya talaga nung araw na to. Yung kahit puro kami kahihiyan. Pinagtinginan na sa KFC dahil sa harot at ingay, pinagtinginan sa Tom's World dahil naghiyawan, Dumukot ng token sa World of Fun at marami pa. Siguro tama nga. Wala ka na talagang pakielam sa sasabihin ng iba, basta ang alam mo MASAYA ka. Kahit ano pa ginagawa nyo, basta MASAYA kayo, ayos lang.

Tuloy tuloy lang natin to. Walang limutan, walang selosan, walang traydoran, walang inisan, walang iwanan. Ganyan tayo e. Permanente. Wagas nga eh! =)

No comments:

Post a Comment