Isang buwan
na yung lumipas nung muli kaming nagkasama sama at nabuo. Alam naming maraming
tao ang “against” sa pagsasamahan namin lalong lalo na sa pagkakaibigan namin.
Pero lahat ng yon nababalewala. Bakit? Simple lang. Dito kami masaya e kaya
kahit anong kontra pa ng iba, hinding hindi kami papayag na mabuwag ng basta
basta.
Lahat naman
ng magkakaibigan, dumadaan sa problema. Oo, dinaanan na namin yan, maraming
beses na. Pero eto kami ngayon, magkakasama ulit. Masyadong maraming dahilan
kung bakit sila pa rin talaga yung mga gusto kong makasama. Basta ang alam ko,
kuntento na ko sa kanila. Masaya ko kapag kasama sila. May mga oras man na
hindi namin maiiwasan na magkaroon ng problema, nangingibabaw pa rin yung
pagsasama naming lahat.
Sa mga
kaibigan kong tinutukoy dito, gusto kong magpasalamat sa inyo kasi kung hindi
dahil sa inyo, hindi ako sasaya sa college ng ganito. Salamat sa lahat ng
memories, mapamagandang memories man yan o hindi, salamat pa rin. Salamat sa
tawanan, drama, iyakan, kaartehan, kaharutan, kasiyahan, katatakutan at mga
tsismis na ibinahagi nyo saken. Salamat sa lahat. Sana etong pagsasamahan na ‘to,
magtuloy tuloy pa hanggang sa kung kelan natin mga gugustuhin. Masaya ko simula
nung nabuo tayo. Yung tipong wala talagang dull moments, walang boring na mga
araw.
Gusto ko
lang naman sabihing, Happy monthsary sa pagkakaibigan natin. At Happy 1 year
and 5 months para sa pangkalahatan na pagsasama. Tuloy tuloy pa natin ‘to.
Masaya eh. =)
No comments:
Post a Comment