Monday, August 27, 2012

Barkada nga eh!


Ang sarap sa pakiramdam kapag gumraduate ka na. Yung tipong magtatrabaho ka na at kikita ng pera. Yung hindi mo na kailangan mag aral para sa isang exam. Basta yung mga bagay na kinaaasaran mo nung nag aaral ka pa, e hindi mo na mararanasan. Pero masaya nga ba? O masaya lang dahil nalagpasan mo na yung mga paghihirap?

Isa sa mga natutunan ko habang nag aaral pa ko ay yung pakikisama. Natutunan kong umiyak, tumawa, matakot at maging masaya sa harap ng barkada. Barkada ang madalas nating nagiging dahilan kung bakit patuloy pa rin tayong pumapasok sa skwela bukod sa makapasa tayo at wag maabsent. Nakakatuwang isipin na sa dinami rami ng tao sa mundo, isa ko sa mga pinaka maswerteng tao dahil nakatagpo ako ng mga barkadang tanggap ako. Tanggap yung ugali ko lalong lalo na yung kaharutan ko. Bibihira na lang yung grupo ng mga taong kaya mong ituring bilang isang tunay na kaibigan. Pero sabi nga, wala namang permanente sa mundo. Pagkatapos ng graduation nyan, panigurado magkakawatak watak na. May ibang nagiging busy sa trabaho at pamilya at di rin maiiwasan na magkaron ng mga taong nakakalimot. Pero diba nasa tao pa rin naman ang desisyon? Nasa kanya kung gusto nya na lang makalimot at iwanan yung mga kaibigan nya.

Ngayon palang, habang kasama mo pa sila ng halos araw araw, pahalagahan mo na sila. Gawin mong memorable lahat ng araw nyong magkasama. Hangga’t maari puro na masasaya yung gawin nyo. Kasi pag gumraduate na kayo, hindi maaalis yung possibility na magkahiwahiwalay na kayo. Maging masaya ka sa kung anong meron ka ngayon.

-------------------

Sa sarili kong pananaw, ako yung taong hindi mabilis makalimot. Tipong yung simpleng nagawa mo, hindi ko makakalimutan yan, yung candy na binigay mo, hindi ko itatapon yan. E pano pa kung napasaya mo ko? Mas lalong hindi kita makakalimutan. Para sa mga barkada ko, alam nyo na kung sino kayo, hindi ko kayo makakalimutan. Tandaan nyo yan. Kahit sa saglit na panahon lang, napasaya nyo ko ng sobra. Sa bawat tsismis, tawanan at dramahan, magkakasama tayo. Basta, isang text at chat nyo lang, magrereply agad ako. Isang tawag nyo lang, sasagutin ko na agad.

Pero dahil nga wala ulit permanente sa mundo, kahit third year palang tayo, gusto ko na kayong pasalamatan. Ang layo na ng pinagdaanan naten, may iyakan, may tawanan at kung anu ano pang klase ng problema. Salamat mga kaibigan! Nasaktan ko man kayo noon, pinapangako ko sa inyong hindi na mauulit yon. Basta pakiremind na lang ako palagi na magbago ng pag uugali ko. Kilala nyo na naman ako, dba? Pero promise babaguhin ko to. Pero kung yun nga, nasaktan ko man kayo ng sobra, humihingi ako ng sorry. Lalo na kung minsan nasasaktan na kayo sa mga sinasabi ko kase madalas hindi naman ako aware at yun na rin yung nakagawian ko mula nung high school pa ko kaya mahirap na din baguhin. Pero ittry ko ngang baguhin para sa inyo. Basta salamat sa lahat. Walang kalimutan. Okay? Mahal ko kayo e pati na rin kayo. Mamimiss ko kayo. AS IN. Lahat kayo. =)

No comments:

Post a Comment