Ang sarap sa
pakiramdam ng may kaibigan ka, yung lagi kang may kasama, kakwentuhan,
kaharutan at kahit kaiyakan pero diba mas masarap kung yung kaibigan na yun e
sobrang kaclose mo? Yung tipong palagay yung loob mo sa kanya? Yung tipong may
tiwala ka talaga sa kanila?
Sa panahon
ngayon, ang hirap ng magtiwala sa tao. Hindi lahat handang itago lahat ng
sikreto mo, hindi lahat ay totoo. Napakaswerte mo na kung makakatagpo ka ng
kaibigang kagaya nito, yung hindi na sya iba para sayo. Yung sobrang sarap nya
makasama at lahat kaya mong sabihin sa kanya.
Pareho kayo ng kinaaayawan at pareho din kayo minsan ng kinahihiligan.
Minsan kung umasta pa kayo e para kayong mag best friend pero hindi naman.
Sadyang may mga magkakaibigan lang talaga na sa sobrang pagpapahalaga nyo sa
isa’t isa, sumosobra na rin yung turing nyo sa bawat isa. Sobrang magka close
kayo at wala na talagang topic na hindi buhay kapag kayo ay nagkukwentuhan. Sa
bawat problema, lagi mong ginugusto na magkaayos kayo yung tipong hindi mo sila
isusuko, yung hindi ka napapagod para suyuin lang sila at maayos yung problema
nyo. Sa bawat chismis, sabay kayong makibalita sa iba. Sa bawat kalokohan,
magkasama kayong tumatawa at nagsasaya. Masarap sa pakiramdam kapag nahanap mo
na yung totoo mong kaibigan. Hindi ka pinupuna sa gusto mong gawin, yung
tanggap ka kung ano yung ugali mo, yung may limitasyon yung ginagawa mo kasama
sila pero walang hangganan yung kasiyahan.
Mahirap
ipagkatiwala ang tiwala sa isang tao pero masarap sa pakiramdam kung pinagkakatiwalaan
ka. Pahalagahan mo yung mga taong nakapaligid sayo gaya ng pagpapahalaga nila
sayo. Bigyan mo sila ng respeto na nararapat para sa kanila. Ituring mo sila na
isang tunay at mapagkakatiwalaang kaibigan. Bihira na lang sa mundo yung
ganyan. Malay mo, kapag binitawan mo sila, hindi ka na ulit makahanap ng kagaya
nila. Mahalin mo sila na parang isang tunay na kapatid. Magtiwala ka lang,
masusuklian din yung pagpapahalaga mo para sa kanila.
No comments:
Post a Comment