Pag-ibig o kaibigan? Kaibigan o pag-ibig? Eto madalas na issue e. Napapanahon. Pero pano kung dumating ka sa point na kailangan mo ng mamili sa dalawa? Anong pipiliin mo at bakit? Pinili mo ba yon dahil sya ang nauna kesa sa isa o dahil alam mong eto ang mas makakabuti para sayo?
Kung pananaw ko lang rin naman ang susundin, kaya naman pagsabayin yan e. Wala lang lamangan. Bakit walang lamangan? Kahit na ba boyfriend/girlfriend mo sya, hindi pa rin sya pwedeng lumamang kay kaibigan (Pwede lang to mai-apply kung si kaibigan e malaki na yung naging part sa buhay mo). Kahit nauna si boyfriend/girlfriend, hindi pa rin pwede. Bakit? Pano kung magkaproblema kayo? Kanino ka ba lumalapit? Sa kaibigan diba? Kapag nagkaproblema kayo ng kaibigan mo, kanino ka rin ba lumalapit? Kay boyfriend/girlfriend, diba?
Sa panahon ngayon, di na rin naman uso ang pinagsasabay. Minsan, kahit na kaya mo naman pagsabayin yung dalawa na 'to, kailangan mo pa rin mamili e. Kung ako, pipiliin ko ang kaibigan. Bakit? E kahit ano namang gawin mo, kung may lalaki/babae na para sayo, darating yon. Kahit ilang bundok pa yung pagitan ninyo, magkikita at magkikita pa rin kayo. Pero ang kaibigan? Minsan ka lang makahanap ng totoong kaibigan. Bibihira nalang yung totoo sa mundo ngayon tapos pakakawalan mo pa? Sayang naman, diba? Baka tumanda ka nalang ng hindi mo pa nakikita yung tunay na kaibigan mo dahil busy ka sa love life mo. Kawawa ka naman kung ganun. Pero ewan ko rin. Ang kaibigan kase lahat pwede e. Ganun rin naman sa boyfriend/girlfriend. Ewan ko ba. Magulo rin ang buhay e. Husayan nalang ang pagpili at siguraduhin na walang masasaktan at walang paghihinayang yung gagawin mo sa huli.
Hindi lahat ng tao kakayanin mong iwan para lang sa isa pero minsan dumarating tayo sa punto na kung saan kinakailangan na may masaktan. Pero eto lang ang tandaan mo, ang kaibigan, hinding hindi ka iiwan nyan. Tatalikuran ka na ng lahat ng tao, nandyan pa rin sya. Hindi mo kailangan mag-expect ng kahit ano tuwing may okasyon na para lang sa inyong dalawa. Walang lamangan na mangyayari. Walang sukatan ng kasiyahan. Ang point ko lang naman kase talaga, piliin mo ang kaibigan. Pero diba nga, desisyon mo yan. Matanda ka na, kaya mo ng magdesisyon ng mag-isa PERO siguraduhin mong tama yung gagawin mong desisyon. Mahirap magsisi sa huli. =)
Wednesday, November 7, 2012
Tuesday, November 6, 2012
Tanga? O tanga-tangahan?
May mga taong sadyang tanga talaga e. Tipong nagpapakatanga para lang sa isang tao? Bakit may mga ganito? Mahirap bang wag magpakatanga sa kanila? Deserving ba yung mga taong dahilan ng pagiging tanga nila?
Minsan, hindi mo rin maintindihan ang mundo e. Akala natin nung una, sa pag-ibig lang pwede maging tanga ang isang tao. Pwede rin pala sa kaibigan. Pero bakit tayo nagiging tanga kahit sa mga kaibigan? Dahil ba sobrang attached tayo sa kanila? O sadyang paasa lang talaga sila? Ganyan naman ang ibang tao e. Paaasahin ka lang nyan. Nadala ka na nung una, nagpaulit ka pa. E sinong tanga? Diba ikaw? Ganto lang naman yan e. Wag kang umaasa sa mga taong minsan ka ng pinaasa at iniwan. Yun lang naman kaya mong gawin e. O kaya naman pwede ring magpakatanga ka hanggang huli at hintayin mong magawa nya lahat ng sinasabi nya.
Pero isipin mo, sa bandang huli, sino ba kawawa? Ikaw? Dahil pinaasa ka? Hindi e. Diba sya? Sya kase yung nang-iwan. Sya yung nang-iwan sa taong akala nya balewala lang sa kanya. Marami pang tao jan. Hindi lang sya yung pwede mong maging kaibigan sa mundo na 'to. Nandyan pa rin naman SILA. Malay mo, sa kanila, mas masaya at hindi masasayang yung mga effort na ginagawa mo. Hindi man sukatan ang tagal ng pinagsamahan, pero jan din naman madalas binabase kung gano katatag, diba? Ewan ko. Pananaw lang naman 'to. Kaibigan, magpapakatanga ka pa rin ba? =)

Friday, November 2, 2012
Best friend
Ano nga ba ang ibig sabihin ng best friend? Diba kaya nga
best friend kasi BEST among the rest? Napakasarap sa pakiramdam kapag may
ganito ka. Tipong sila yung sinasabihan mo ng mga problema, hinanaing o kahit
ano pa man yan. Sila yung masasabi mong mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay.
Pero pano kung dumating yung punto na magsawa na kayo? Yung panahon na wala na
yung title ninyo sa isa’t isa na “best friend”? O kahit sya, hindi mo na ramdam
yung pagiging best friend nya?
Napakahirap dumating sa punto na ganito. Yung noon, lagi
kayong nagtatawanan, nagsasabihan ng problema tapos bigla lang mananawa at
mawawalan ng gana. Kadalasang dahilan nito ay pagiging busy at ang tinatawag na
“selos”. Sa panahon ngayon, napakabusy na ng mga tao. Yung monthsary nyo na nga lang na magbestfriend, hindi nya pa maalala? Yung simpleng birthday mo, nakakalimutan nya? Kadalasan jan nauuwi yung pag aaway e. Sa pagiging seloso/selosa naman, common na 'to pero bakit nga ba nagseselos? Dahil siguro may nahanap na siya na bagong kaibigan? O dahil masyadong nakatuon na yung sarili nya dun sa boyfriend/girlfriend nya? Pero diba, ano bang magagawa mo sa mga yon? E best friend ka lang. Pano kung sinabi mo yung nararamdaman mo na nagseselos ka sa mga taong yon? Tapos sasabihin sayo, "best friend LANG kita". Masakit, diba? Pero pag isipan mo 'to. Ituloy mo lang kung ano yung mga gusto mong gawin sa kanya, pasayahin mo sya. Ituring mo syang best friend mo pa rin kahit na busy sya o nagseselos ka. Hanggang sa manawa ka na at marealize nya na yung importansya mo. Ganyan naman ang tao e, kung kelan sawa ka na, saka ka naman lalapitan. Tiyagaan na nga lang siguro talaga. Tandaan na hindi basehan ang titulo na "best friend" sa pagiging importante mo sa kanya. Maraming klase ng "friend". Special friend, True friend, Best friend at minsan pa nga may Super friend. Kung special friend, true friend o best friend ka, be thankful. Pero kung super friend ka? Be more thankful. Ewan ko, hindi kasi common yung term na 'to. Ang korni sobra pero parang lahat na nasa kanya pag sinabi to. Yung pagiging special friend, true friend at best friend sa kanya mo na lahat makikita. Kung may ganito ka, swerte mo, sobra. At kung ikaw yung ganito nya, napakaswerte mo. =)
Super friend, asan ka? Hahaha. Korni pakinggan. =)
Subscribe to:
Posts (Atom)