Friday, November 2, 2012

Best friend


Ano nga ba ang ibig sabihin ng best friend? Diba kaya nga best friend kasi BEST among the rest? Napakasarap sa pakiramdam kapag may ganito ka. Tipong sila yung sinasabihan mo ng mga problema, hinanaing o kahit ano pa man yan. Sila yung masasabi mong mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay. Pero pano kung dumating yung punto na magsawa na kayo? Yung panahon na wala na yung title ninyo sa isa’t isa na “best friend”? O kahit sya, hindi mo na ramdam yung pagiging best friend nya?

Napakahirap dumating sa punto na ganito. Yung noon, lagi kayong nagtatawanan, nagsasabihan ng problema tapos bigla lang mananawa at mawawalan ng gana. Kadalasang dahilan nito ay pagiging busy at ang tinatawag na “selos”. Sa panahon ngayon, napakabusy na ng mga tao. Yung monthsary nyo na nga lang na magbestfriend, hindi nya pa maalala? Yung simpleng birthday mo, nakakalimutan nya? Kadalasan jan nauuwi yung pag aaway e. Sa pagiging seloso/selosa naman, common na 'to pero bakit nga ba nagseselos? Dahil siguro may nahanap na siya na bagong kaibigan? O dahil masyadong nakatuon na yung sarili nya dun sa boyfriend/girlfriend nya? Pero diba, ano bang magagawa mo sa mga yon? E best friend ka lang. Pano kung sinabi mo yung nararamdaman mo na nagseselos ka sa mga taong yon? Tapos sasabihin sayo, "best friend LANG kita". Masakit, diba? Pero pag isipan mo 'to. Ituloy mo lang kung ano yung mga gusto mong gawin sa kanya, pasayahin mo sya. Ituring mo syang best friend mo pa rin kahit na busy sya o nagseselos ka. Hanggang sa manawa ka na at marealize nya na yung importansya mo.  Ganyan naman ang tao e, kung kelan sawa ka na, saka ka naman lalapitan. Tiyagaan na nga lang siguro talaga. Tandaan na hindi basehan ang titulo na "best friend" sa pagiging importante mo sa kanya. Maraming klase ng "friend". Special friend, True friend, Best friend at minsan pa nga may Super friend. Kung special friend, true friend o best friend ka, be thankful. Pero kung super friend ka? Be more thankful. Ewan ko, hindi kasi common yung term na 'to. Ang korni sobra pero parang lahat na nasa kanya pag sinabi to. Yung pagiging special friend, true friend at best friend sa kanya mo na lahat makikita. Kung may ganito ka, swerte mo, sobra. At kung ikaw yung ganito nya, napakaswerte mo. =)

Super friend, asan ka? Hahaha. Korni pakinggan. =)

No comments:

Post a Comment