Napakasaya ng taon na 'to. Sobrang hindi ineexpect lahat ng mangyayari. Maraming nagbago. Pero masaya naman ako sa mga nagbago na yun. May mga taong nawala pero meron pa ring mga naiwan. Eto na talaga.
Salamat sa lahat ng naging parte ng 2012 ko. Sayo pati na rin sa mga magulang nyo. Hahaha. Alam kong minsan nasasabi na rin nilang Bad Influence ako, pero hindi po. Mabait ako. Sobra. Hahaha. Sorry sa lahat ng nabigo ko, nakatampuhan, nakaalitan at nakasagutan. Tapos na lahat yun. Magpakabait na tayong lahat. Napakasaya ng buhay.
Pangako. Sa 2013 na to, sinimulan ko na rin ngayon, magpapakabait na ko. Yun lang. Tapos bahala na. Simple. Ayos na yan. Yung iba nga walang babaguhin e. Hahaha.
Salamat uli sa pagiging parte ng 2012 ko. Sana sa 2013, maging parte pa din kayo. Happy new year! =)
Sunday, December 30, 2012
Friday, December 28, 2012
12/28/12
Masarap sa pakiramdam yung makakasama mo yung mga kaibigan mo pagkatapos ng maraming buwan na hindi pagkikita. Pero mas masarap sa pakiramdam yung may mga tunay kang kaibigan.
5 years na pagkakaibigan? Di ko ineexpect to. Sabi ng iba bihira yung nakakatagal sa ganyan. Di siguro totoo to. Kami lang na mga di nagkikita madalas, e buong buo pa, diba?
Sabi nila, walang permanente sa mundo. E yung samahan ba namen? Permanente to. Barkada lang namin ang permanente. Itaga na sa bato yan. Hahaha.
Pero ang saya talaga nung araw na to. Yung kahit puro kami kahihiyan. Pinagtinginan na sa KFC dahil sa harot at ingay, pinagtinginan sa Tom's World dahil naghiyawan, Dumukot ng token sa World of Fun at marami pa. Siguro tama nga. Wala ka na talagang pakielam sa sasabihin ng iba, basta ang alam mo MASAYA ka. Kahit ano pa ginagawa nyo, basta MASAYA kayo, ayos lang.
Tuloy tuloy lang natin to. Walang limutan, walang selosan, walang traydoran, walang inisan, walang iwanan. Ganyan tayo e. Permanente. Wagas nga eh! =)

Subscribe to:
Posts (Atom)