Saturday, September 8, 2012

HBD MJSB


Dear kaibigan,

Hi. Parang kelan lang, hindi tayo nagkapansinan ah? Alam mo, napakarami na nating napagdaanan din. Bakit kamo? Dami na nating naging problema e. Maraming beses ko na kayong nasaktan. Pero kahit ganun, nakakatuwa lang kasi hanggang ngayon magkakasama pa rin tayo. Mabait nga kasi tayo, diba?

Gusto ko lang sana magsorry. Sorry kung nasaktan ko kayo. Sinabi ko na sayo yung dahilan, diba? Binabago ko na naman yung ugali ko na yun e. Promise. Tapos thank you din kasi nga hanggang ngayon, anjan pa rin kayo pag may problema yung bawat isa saten. Yung hindi kayo sumusuko. Sobrang salamat dun.

Pero eto talaga gusto kong sabihin e. Happy birthday Mary Joyce Bernardino. Mahal ka namen ni mameng Lorraine, bebs Carmina, bespren Marby at labs mong si Ervin. Dito lang kami lagi ah. Wag ka mahihiya mag-open ng problema. Mejo nabawasan man yung trust, sana may tiwala ka pa rin. Happy birthday. Enjoy mo yung araw na ‘to. Ingat. =)

From:
WU_JU

Saturday, September 1, 2012

Kasiyahan


Isang buwan na yung lumipas nung muli kaming nagkasama sama at nabuo. Alam naming maraming tao ang “against” sa pagsasamahan namin lalong lalo na sa pagkakaibigan namin. Pero lahat ng yon nababalewala. Bakit? Simple lang. Dito kami masaya e kaya kahit anong kontra pa ng iba, hinding hindi kami papayag na mabuwag ng basta basta.

Lahat naman ng magkakaibigan, dumadaan sa problema. Oo, dinaanan na namin yan, maraming beses na. Pero eto kami ngayon, magkakasama ulit. Masyadong maraming dahilan kung bakit sila pa rin talaga yung mga gusto kong makasama. Basta ang alam ko, kuntento na ko sa kanila. Masaya ko kapag kasama sila. May mga oras man na hindi namin maiiwasan na magkaroon ng problema, nangingibabaw pa rin yung pagsasama naming lahat.

Sa mga kaibigan kong tinutukoy dito, gusto kong magpasalamat sa inyo kasi kung hindi dahil sa inyo, hindi ako sasaya sa college ng ganito. Salamat sa lahat ng memories, mapamagandang memories man yan o hindi, salamat pa rin. Salamat sa tawanan, drama, iyakan, kaartehan, kaharutan, kasiyahan, katatakutan at mga tsismis na ibinahagi nyo saken. Salamat sa lahat. Sana etong pagsasamahan na ‘to, magtuloy tuloy pa hanggang sa kung kelan natin mga gugustuhin. Masaya ko simula nung nabuo tayo. Yung tipong wala talagang dull moments, walang boring na mga araw.

Gusto ko lang naman sabihing, Happy monthsary sa pagkakaibigan natin. At Happy 1 year and 5 months para sa pangkalahatan na pagsasama. Tuloy tuloy pa natin ‘to. Masaya eh. =)